Sa munting lamesa
ang usok ng kapeng tila
sa bawat minutong lilipas, init ay nawawala
sa kalituhan ng isipan
sa pagkabagabag ng puso
sa pagakatakot sa parating na bukas
pag-asa'y lumalaho
tulad ba ng itim na tubig
sa tasang saksi
sa aking pag-iisa
tulad ba ng init nitong taglay
na sa minuto at susunod
lumalaho, lumalamig
sa iyo kaya'y
sa minuto at susunod
napaparam ang pag-ibig.......